About Us
Maligayang pagdating sa aming blog! Layunin naming ibahagi ang makabagbag-damdaming kwento ng mga estudyanteng Pilipino—mga kwentong puno ng pagsusumikap, sakripisyo, at pag-asa. Dito, binibigyang boses ang mga kabataang may pangarap at pinipiling lumaban sa kabila ng hirap ng buhay. Nais naming maging inspirasyon sa bawat bumibisita, at patunay na hindi hadlang ang kahirapan sa tagumpay.
Kami ay naniniwalang “Hindi lang numero ang itinuturo namin—pangarap ng mga bata ang binubuo namin.”
Mayroon akong mga discussion videos para sa High School Mathematics na nasa wikang Filipino ang paraan ng aking pagtuturo. Nais kong maisalin ang mga ito sa Ingles upang maunawaan din ng mga tagapanood mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nilalaman ng aking mga video. Sa abot ng aking makakaya, patuloy kong pagbutihin ang aking ginagawa para sa mas maraming matulungan.
Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta sa aking Channel—lalo’t higit sa ating Dakilang Diyos. Sa aking butihing asawa, si Maybelyn, na walang sawang sumusuporta sa akin kahit sa panahon ng aking mga pagsubok. Sa aking mga anak—sina Prince John, Princess Belle, at Princess Mathea—na nagsisilbing inspirasyon ko sa mga panahong tila imposible na ang lahat, ngunit kailangan pa ring ituloy.
Sa aking mga kaibigan na sa iba't ibang paraan ay nagbibigay motibasyon sa akin upang lumikha ng makabuluhan. Sa aking mga kamag-anak na patuloy na naniniwala sa talentong ipinagkaloob sa akin ng Diyos. Sa aking mga mag-aaral na bumubuo ng malaking bahagi ng aking tagasuporta—maraming salamat. Sa inyong lahat—aking mga Subscriber, mga kaibigan, at lahat ng nakakakilala sa akin—alam ninyo kung sino kayo, taos-puso ang aking pasasalamat.
At sa mga hindi naniniwala sa aking kakayahan, maraming salamat din. Kayo ang nagtutulak sa akin upang patuloy na pagbutihin ang aking sarili at maging mas mabuting bersyon nito.
Again, This is Bonifacio A. Alos Jr, your Online Math Teacher, Here in Sir Alos TV.
S - Superb
I - Instruction
R - Reinforcement
A - Alternative
L - Learning
O - Online
S - Strategy
T - Teaching
V - Virtually
No comments:
Post a Comment