Ads

ads

Monday, March 31, 2025

Class Prophecy: GAS Batch 2025 – Ang Muling Pagkikita

Class Prophecy: GAS Batch 2025 – Ang Muling Pagkikita

Dalawang dekada na ang lumipas mula nang grumadweyt ang General Academic Strand (GAS) Batch 2025 ng Ranom Iloco National High School. Sino ang mag-aakalang ang dating magkakaklase, na minsang nangangarap lang nang sabay-sabay noon, ay magkikita-kita muli sa isang engrandeng pagtitipon sa Manila Super Grand Hotel? Isang hindi inaasahang pagkakataon ang nagdala sa kanila sa isang prestigious gathering ng mga kilalang propesyonal sa iba’t ibang larangan. Ang huling pagkikita nila ay noong Senior High School graduation pa nila. 

Sa loob ng Manila Super Grand Hotel sa Lungsod ng Makati, habang abala ang lahat ng mga dumalo sa kani-kanilang networking at kumustahan sa kanilang mga kakilala, may isang pamilyar na boses ang umalingawngaw na nakakuha ng atensyon ng karamihan.

“Hindi ako makapaniwala! Ang GAS Batch 2025, muling nagkita-kita pa dito mismo sa okasyon na ito!” sigaw ni Jhunard, isa na ngayong kilalang motivational speaker at life coach. Mula sa pagiging tahimik na estudyante noon na may natural na mahiyaing pagkatao, ngayon ay kilala siya sa buong bansa sa pagbibigay-inspirasyon sa mga kabataan upang abutin ang kanilang mga pangarap.

“Tama ka diyan, Jhunard! Parang kailan lang no, nangangarap lang tayo sa loob ng classroom at magkwekwentuhan ng kung ano ang mangyayari sa atin sa future,” sagot naman ni Jomel, na ngayon ay isang respetadong abogado. Dahil sa kanyang dedikasyon sa paggulong sa totoong katarungan at pagtatanggol sa mga kawawang biktima, isa siya sa mga nangungunang legal advisers ng sa South-East Asia.

Sa gitna ng pag-uusap, isang pamilyar na tinig ang narinig ng lahat. “Naku naman, ang gagwapo at gaganda natin ngayon! Halina’t ipagdiwang natin ang tagumpay nating lahat! Natutuwa ako para sa ating lahat.” wika ni Cyryll Jay, na ngayon ay isang sikat na news anchor at TV host. Sa kanyang husay at talento sa komunikasyon, madalas siyang napapanood sa telebisyon, nagbibigay ng mahahalaga at makatotohanang balita at pakikipanayam sa mga iba’t ibang personalidad sa loob at labas ng bansa.

Biglang may lumapit sa kanila at nakangiti ng napakatamis, naka-business attire at may hawak na laptop. Si Kim, isang matagumpay na entrepreneur at CEO ng isang technology company sa France. “Aba, kayo pala ‘yan mga marekoys! Akala ko puro business partners lang ang makakasama ko rito, hindi ako nainformed na reunion din pala natin ito! Ano? Iset na ba natin ang ating reunion? Namimiss ko na kayo mga atse.” biro niya habang inaalok ng kanyang company app ang kanyang dating mga kaklase. Siya sa ngayon ay may ari at nagpapalawak ng mga negosyo sa kabuuan ng Europe.

Samantala, dumating din si Gabriel Dave, na ngayon ay isang renowned architect. Ipinagmamalaki niya ang kanyang mga disenyo na nagbigay ng bagong anyo sa ilang iconic buildings sa America at sa Australia. “Nagtagumpay tayong lahat mga classmates! Saktong - sakto at ang ganda ng pagkakataon na magkita-kita tayo rito. Yung totoo, sino sa inyo ang nagplano ng reunion na ito?” Sabay sabay nagkatawanan ang mga magkaklase. 

Habang nag-uusap, lumapit si Albert, na kilala ngayon bilang isang international chef. “O guys, kung gusto ninyong matikman ang pinakabest gourmet dishes sa bansa, dumaan lang kayo sa restaurant ko mamaya, all expense paid na, sagot ko na sainyo,” sabi niya na nag - aaya at may halong pagmamalaki. Lalo naman at talaga namang ito ang pinagkakapilahan ng mga kilalang tao kahit sa ibang bansa dahil sa pinakafinest na gourmet dishes sa buong mundo. 

Hindi rin nagpahuli si Donna May, isang batikang doktor sa America. Dahil sa kanyang pagkadalubhasa sa medisina, marami na siyang natulungan lalong lalo na sa kontinente ng Africa at ginawaran na rin siya ng parangal sa larangan ng healthcare sa iba't - ibang bansa. “Wow naman, Isa ito sa pinakamagagandang sandali ng buhay ko—ang makita kayong muli at lahat ay nagtagumpay sa ating mga piniling direksyon.”

Sa isang tabi naman ay si Maria Yhelen, na ngayon ay isang nang respetadong college professor  sa Amerika at author ng maraming aklat na pang-akademiko. Masaya niyang ikinuwento kung paano siya nagbigay-inspirasyon sa mga estudyante sa loob ng mahigit isang dekada at ngayon ay marami na rin siyang mga naging successful na mga produkto.

Kasabay nito, isang kotse ang huminto sa harap ng venue at bumaba ang isang babaeng may suot na mahabang eleganteng gown—si Sheene Danaiah, isang kilalang fashion designer na gumagawa ng obra para sa mga sikat na artista at international personalities. Kinababaliwan ang kaniyang mga obra dahil nakakaaliw ang kanyang mga desinyo. Kahit ang mga Royal blood ay sa kanya nagtitiwala.

“Grabe, hindi ko akalain na magiging ganito kaganda ang muling pagkikita natin,” sambit ni Kristene Care, isang dedikadong psychologist, na tumulong sa libu-libong indibidwal na magkaroon ng mas malinaw na pananaw sa buhay. Siya din ang nagbibigay direksyon sa mga taong nawawalan ng pag asa sa buhay.

At syempre, hindi rin mawawala si Geraldine, na isang ng award-winning film director. Dahil sa kanyang husay sa paggawa ng pelikula, kinilala siya hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa. Siya ang kauna-unahang Filipino film director na may di mabilang-bilang na mga pelikula sa Hollywood.

Habang nagkukwentuhan, napansin nilang unti-unti nang lumiliwanag ang langit. “Hindi natin alam kung kailan ulit tayo magkikita,” sabi ni Jhunard, “pero isang bagay lang ang sigurado ko—lahat tayo ay nagtagumpay sa ating piniling larangan. Congrats sa ating lahat.”

Napuno ng halakhakan at saya ang gabing iyon. Ang dating mga estudyanteng sabay-sabay lang na nangarap noon ay ngayon ay mga propesyunal at huwarang indibidwal na nagbigay ng inspirasyon sa iba. Ang kanilang muling pagkikita ay hindi lamang isang reunion kundi isang patunay na ang pagsisikap, tiyaga, at pangarap ay may matamis na bunga.

GAS Batch 2025—patunay na walang imposible sa mga taong may pangarap at determinasyon! 

No comments:

kabandaan

ads

ads

Followers

ads

Rena: Bitbit ang Anak, Bitbit ang Pangarap

Sa Likod ng Diploma: Kuwento ng Pagbangon ni Rena Sa isang maliit at liblib na barangay sa gitna ng kabundukan, namuhay si Rena kasama ang k...

ads