Ads

ads

Saturday, March 22, 2025

"Good Morning Class" to "Goodbye Class, Congratulations!!!"

 Mula sa "Good Morning Class!" Hanggang sa "Goodbye Class, Congratulations" – Isang Paglalakbay ng TVL Students ng Ranom Iloco National High School

Naalala niyo pa ba kung kailan tayo nag - umpisa? Ilan na ba ulit kayo noong una? Sino na yung pinakamakulit sa klase? Sino na yung laging nag - eexcuse para umihi daw? Sino na yung laging nakapaligid sa canteen? Sino na yung laging nakalabas ng room? Sino na yung nahihirapan na magbasa? Sino na yung mamaw sa ML? 

Sa bawat umagang nagdaan, isang simpleng "Good morning, class!" ang nagsilbing hudyat ng panibagong araw ng pagkatuto. Ngunit sa kabila ng matamis na pagbating ito, hindi maikakaila ang bigat ng hamong dala ng buhay na inyong pinagdadaanan. Hindi lahat ng estudyante ay may marangyang baon, may bago at magarang damit, may maayos na gamit sa eskwela, o may komportableng buhay na walang alalahanin. Ngunit sa kabila ng lahat ng nararanasan niyo, kayo, mga mag-aaral ng TVL ng Ranom Iloco National High School, ay patuloy na bumangon, lumaban, nagpursige, at ngayon, narito na kayo sa dulo ng isang kabanata—ang pagtatapos.

Hindi biro ang pinagdaanan ninyong hirap. Marami sa inyo ang gumigising sa madaling araw upang magluto ng paninda, mag-alaga ng mga kapatid, o tumulong sa kabuhayan ng pamilya bago pumasok sa eskwela, nagpastol muna ng kambing o ng baka na alaga, nangimasukan bilang kasambahay, nakitanim sa taltalon, nagbilad pa ng palay para may pambaon. Karamihan ay naglalakad ng kilometro sa init ng araw o sa putik ng ulan upang makarating lamang sa paaralan. May mga gabing kailangang magsakripisyo ng pahinga upang matapos ang mga proyekto, aralin ang leksyon, o magpraktis sa mga kasanayang itinuro sa TVL track—mula sa pagluluto, pag-aayos, pagkukumpuni, hanggang sa iba pang kasanayang pangkabuhayan.

Ngunit sa kabila ng lahat ng hirap, hindi kayo sumuko. Sa bawat pagod na ininda, sa bawat luha na pinunasan, sa bawat pagsubok na napagtagumpayan, sa bawat hamon ng pagkakataon—patunay kayong ang pagsisikap ay may kapalit na tagumpay. Ngayon, ang simpleng "Good morning class!" ay napalitan na ng "Goodbye class!" Isang paalam sa buhay-estudyante ng high school ngunit isang malugod na pagbati sa panibagong yugto ng inyong buhay.

Sa inyong paglalakbay mula sa silid-aralan patungo sa tunay na mundo, dalhin ninyo ang mga aral na natutunan hindi lamang mula sa mga aklat kundi pati na rin mula sa inyong sariling karanasan. Mas pinatatag kayo ng inyong mga karanasan sa buhay na magsisilbing gabay niyo sa kinabukasan. Sa mga aral ng buhay na aking naibahagi sa inyo. Sana wag nyo kakalimutan ang naikwento ko sainyo. Patuloy na mangarap, magpursige, at ipakita sa mundo na ang isang mag-aaral na dumaan sa hirap ay mas matibay, mas matatag, at mas handang harapin ang kinabukasan. Pagtagumpayan ninyo ang buhay, at darating ang araw na masasabi ko na kayo ang mga bunga ng aking pagsisikap din. 

Ito na, nalalapit na ang inyong pagtatapos. Mamimiss mo na yung laging nagsusumbong na may nangyari sa room? Mamimiss mo na yung kuripot lalo na pag ambagan para sa practicum niyo? Mamimiss mo na yung maingay na tawanan niyo. Mamimiss mo na yung laging nambubully saiyo. Mamimiss mo na yung laging tulog sa klase niyo. Mamimiss mo na yung laging humuhingi sa binili mong siomai sa canteen. Lalong lalo na, mamimiss mo na yung mga teacher mong mga gwapo at maganda.

Sana lang, wag kayong makakalimot. Sana lang, wag kayong magbabago. At sana lang, magtagumpay kayo sa hamon ng buhay.

Sa lahat ng TVL graduates ng Ranom Iloco National High School—hindi lang ito isang pagtatapos, kundi simula ng mas maraming pagkakataon para sa inyong pangarap. Sabi ko nga, walang maiiwan sa inyo, sabay sabay kayo na magtatapos. 

Advance Congratulations at Happy Graduation! 🎓





PS. Praktis lang, mamaya baka may maiwan pa sa inyo eh,.. Di natin sure, ejejejejejejeje. 

3 comments:

Sir Alos TV said...

SalaMATH sa pagbabasa mga kabandaan

Anielyn Soriano said...

kaiyak naman sir

Sir Alos TV said...

SalaMATH Anielyn, natouch ako na nagustuhan niyo,..

kabandaan

ads

ads

Followers

ads

Rena: Bitbit ang Anak, Bitbit ang Pangarap

Sa Likod ng Diploma: Kuwento ng Pagbangon ni Rena Sa isang maliit at liblib na barangay sa gitna ng kabundukan, namuhay si Rena kasama ang k...

ads